Mahirap maging bread winner. Lalo na kung ikaw mismo nangangapa ka pa kung san papunta ang buhay mo.
Nung una kong nalaman na papasanin ko na ang responsibilidad ng pagtataguyod ng sarili ko at ng pamilya ko, literal na humagulgol ako. Wala ko noong pakialam kung nasa pampubliko akong lugar. Parang bumagsak ang lahat. Sandali. Pause muna, di pa ko ready. Pero di ko pwedeng sabihin yon. Pasalamat ako at mabait pa ang pagkakataon at binigyan pa ko ng panahon, nagkatrabaho uli ang aking ama, pero panandalian lang.
May trabaho pa rin naman sya ngaun pero di un sapat para saming lahat. O kahit nga sakanila lang. Dahil nakita ko ang depresyong bumalot sa aking ama, nagsumikap ako. Pinasan ko ang pagaaral ng mga kapatid ko. Nangangarap ako na mabigyan ng mabuting buhay at makapag relax naman kahit pano mga magulang ko. Nagagawa ko naman ito kahit pano pero wala nang natitira para saakin, parang di ko kinakaya minsan, ang hirap magtrabaho na ang iniisip mo kagad e kung pano ka kikita, lalo na sa trabaho kong kaylangan kong matugunan at maibigay ang pinakamagandang serbisyo sa mga tao, nawawala ang passion, mas iniisip ko ang araw ng bayaran bago ang kaylangan kong ibigay, kaya minsan naisip kong maghanap ng trabahong di ko kaylangan paganahin ang imahinasyon ko, na di ko kaylangan isipin ang malalaking bagay para lang kumita ng mabilis. Pero natatakot din ako dun, baka pagnagkataon lumiit ang utak ko..
Lumayo ako ng manila, para makabwelo dahil ang totoo tuwing umuuwi ako ang pangit ng nararamdaman ko. Ang bigat bigat. Di ko alam kung anong uunahin ko, ang pera bang pangtustos o ang pagaalaga sa kanila, pagbantay, dahil kaylangan din nila yon. Nahihirapan na ko, oo, pero di ako susuko. Kaya ko pa. Kaylangan ko na lang magdasal ng mataimtim para maayos lahat.
No comments:
Post a Comment